Panghuling Dalawa
(BOB/BOS Activity Reflection)
Sa buhay halos araw-araw may mga desisyon tayong ginagawa. Mula sa pagmulat ng ating mata hanggang sa pagtulog. Ngunit sa araw na ito hindi batid ng aking puso ang magaganap.
Naiwan akong luhaan, habang nasa gitna ng sitwasyong kailangang pumili.
Hawak-hawak ko ang maliliit na mga papel kung saan naka sulat roon ang mga tao, lugar, bagay, sitwasyon atbp. na kailangang bitawan. Ngayon nasa panghuling lebel na – kailangan bitawan lahat maliban lamang sa dalawang papel. Napuno ng inggay ang hall ng St. Paul, naririnig ko ang mga kapatid na ang ibay nahihirapang mag desisyon. Ang iba namay naka-ngiti na at silay nakapili na.
Katabi ko si Tita Weng, sya man ay nahihirapan din. Ako namay patuloy sa hirap na nararamdaman, sunod sunod na tumatagaktak ang luha mula sa aking mga mata na hindi ko ma kontrol. Sa isip koy “Bakit ganun? Alam ko naman ang aktibidad na ito, nabasa ko yung ganitong aktibidad sa facebook…” Pero iba pala kapag ikaw na mismo ang nakaharap sa sitwasyon. Nangangapa ang puso’t isip, di malaman ang gagawain. Kailan, saan, kanino ako tatakbo.
“Trust in the Lord with all your heart and lean not on your own understanding; in all your ways submit to him, and he will make your paths straight” (Proverbs 3:5-6).
Kailangang mag-desisyon!
Mahirap man ngunit kailangan. Pinikit ko ang aking mga mata (kasabay nga maikling dasal) at iniwan ang dalawang papel kung saan akoy naka-pangako ng walang hanggang pagmamahal at debosyon. Ito ang aking asawa at ang pananampalataya at pagmamahal sa Panginoon na nauna sa buhay ko simulat sapol.
Biglang gumaan aking puso, ang dala-dalang bigat kanina habang nagdedesisyon ay nawala at napalitan ito nga gaan sa loob. Pagmamahal at katiyakan na kalian man hindi ako iiwan ng Diyos.
* * *
Isa lang ito sa naganap ng araw na iyon. Ito ang ika-2 taon ng BOS/BOB (Bond of Sisters & Bond of Brothers sa UAE). Masayang pagtitipon ng mga kababaihan at kalalakihan ng CFFL. Mayroong make-up sessions, sharings, teachings at praise fest na naganap. Hanggang sa susunod na BOB at BOS! – JMBC
This blog has been published in the authors community magazine – The Vineyard – Vol 2 Issue 9.
God bless!
JM Kayne | www.iamjmkayne.com ♥